Dagupan City – Binigyang diin ng Bantay Bigas na walang silbi ang gagawing pagtaas ng pondo sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) kung hindi rin naman matutugunan ang pangunahing problema ng mga magsasaka sa bansa.
Ayon kay Cathy Estavillo – Spokesperson, Bantay Bigas, hindi na lang kasi P10 Bilyon kundi gagawing P30 Bilyon ang budget.
Kung kaya’t aniya, mariin nila itong kinokondena, dahil malinaw na wala sa budget ang pinaka-basic na pangangailangan ng sektor gaya na lamang ng; cost of production, kawalan ng lupang sakahan at mga post-harvest facility.
Binigyang diin nito na kahit anong Bilyon piso ang ilalagay at i-extend hanggang 2031 kung wala naman ito sa pagtugon sa pangangailangan ng mga magsasaka ay wala din itong magiging progreso.
Kung titingnan kasi aniya, dekada na itong suliranin ng bansa habang ang mga nakaupo ay mga business owners na ang pangunahing negosyo ay ang lupa.
Kaya naman apela niya, ibalik ang mandato ng National Food Authority na makialam sa presyuhan ng bigas.