Dagupan City – Nadakip ang dalawang suspek sa bayan ng Asingan sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Asingan Municipal Police Station.
Isinagawa ito sa Brgy. Domanpot sa nasabing bayan sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1.
Kinilala ang mga suspek na sina Ramcesar Directo Ferrer at Jason Razo Antalan, kapwa 34 anyos at residente sa Barangay Poblacion East at Barangay Dupac sa nasabing bayan.
Nabibilang ang mga ito sa pagiging street level individual sa kanilang lugar.
Nakumpiska sa kanila ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.40 gramo at tinatayang halagang PhP2,720.00, kasama din sa nakuha sa mga ito ang isang tunay na PhP500.00 bill (dusted money), boodle money na PhP1,000.00 at PhP500.00, isang lighter, isang cellphone, at isang driver’s license.
Isinagawa ang pag-iimbestiga at pagmamarka ng mga ebidensiya sa presensya ng mga saksi, alinsunod sa batas.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.