DAGUPAN CITY- Isang positibong resulta umano para mga motorista at mga riders ang pag-amyenda ng RA 11235: Motorcycle Crime Prevention Act o Doble Plaka Law dahil sa ilang mga suliraning kinahaharap ng mga motorista ukol sa nasabing isyu.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Glemor Villanueva Bautista, ang Presidente ng Pangasinan Riders Club, pabor sa mga rider ang pag-amyenda ng Doble Plaka Law dahil mas mapapagastos pa umano ang mga motorista kapag dalawa ang gagamiting plaka.
Aniya, bukod sa doble plaka ay mayroon na ring hinaing ang mga riders patungkol sa nasabing usapin kaya’t isa ang kanilang grupo sa nakiisa sa isinagawang unity ride upang mapakinggan ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
Delikado rin umano ang paglalagay ng plaka sa harap dahil maaaring maglagay ito sa kapahamakan para sa mga motorista.
Dagdag niya, noon pa man ay mag pangamba na ang grupo sa pagpapatupad ng dalawang plaka dahil sa tila mabagal na proseso nito.
Sa ngayon ay nakikita rin ng grupo ang positibong epekto ng paggamit ng reflectorized vest ng nga motirista sa daan.