DAGUPAN CITY- Muling isiniselebra sa bayan ng Villasis ang kanilang kapistahan na Talong Festival.

Matatandaan na nagsimula ito taong 2012 kasabay nang ituring itong Vegetable Basket of the North o Vegetable Home of Pangasinan.

Ayon kay Libradita Abrenica na dating alkade ng bayan at ang Executive Chairman ng Villasis Town Fiesta 2025, ito ay itinuturing promosyon ng kanilang produktong agrikultura.

--Ads--

Aniya na mas marami ang dumalo ngayong taon, dahil nakiki-isa at buo ang suporta ng taong bayan sa kanilang kapistahan.

Kaya naman kanyang hinihikayat na lumahok o dumalo ang taong bayan sa kanilang mga aktibidad dahil marami silang inihanda para sakanila.

Kaugnay naman nito ang pagiging suportado ng lokal na pamahalaan sa kanilang produktong agrikultura.

Ayon sa alkalde ng bayan na si Nonato Abrenica, naghandog ang LGU ng libreng abono na kung saan ay nakatanggap ang lahat ng mga mahigit 3,000 na magsasaka, ilang mga traktora, cultivator, at iba pang mga makinarya.

Bukod din dito ang financial assistance para sa lahat ng mga magsasaka sa bawat brgy.

Habang ang 2 sa mga brgy. na ito na kung saan matatagpuan ang produksyon ng tobacco excise tax ay tumanggap naman ng tig-P5,000.

Aniya na umabot na sa P17M na halaga ang naipamahagi sakanila.

Buo umano ang suporta nila sa mga Villasis Farmers dahil sila ang nagpapakain sa taong bayan.