DAGUPAN CITY- Isang tulong para sa mga Poultry farmer ang malamig na panahon upang makabawi sa kapansin-pansin na pagbaba ng konsumo sa produktong itlong makalipas ng bagong baon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Francis Uyehara, Presidente ng Philippine Egg Board Association (PEBA), makakaapekto sa presyo ng itlog sa farm gate ang mababang konsumo nito.
Subalit, papalakasin naman ng malamig na panahon ang pagkain ng mga manok na siyang magpapalaki sa mga itlog.
At kung hindi naman magkakaroon ng problema ang industriya ng itlog at manok ay maaaring hini na magkakaroon ng pagtaas sa presyo nito.
Samantala, may ilan naman na lugar sa bansa na apektado ng bird flu virus.
Maaari lamang umabot sa 20% ang mabubuhay mula sa nasabing virus at ikokontamina pa ito upang maiwasan ang lalong pagdami ng naapektuhan.
At magiging mahirap ito lalo na para sa mga malalaking farms na nag-aalaga ng manok.
Kaya sa kasalukuyan, nagkakaroon na ng aksyon ang mga kinauukulan upang maiwasan pa ang lalong paglobo ng pinsalang iiwan nito.