Mga kabombo! Gaano ka nga ba ka good samaritan?
Kaya mo bang idonate ang iyung napakalaking halaga ng kayamanan?
Nagulat na lamang kasi ang mga lokal na opisyal ng Thiberville nang matuklasan na isang mayamang Parisian ang nagpamana sa kanila ng napakalaking halaga.
Ang Thiberville ay isang maliit na bayan na nasa Eure department sa Normandy— hilagang bahagi ng France.
Paano ba naman kasi, natanggap ng mga ito ang tinatayang nasa US$10.2 million o higit P599 Milyon.
Kinilala umano ang good samaritan na ito na si Roger Thiberville, na sumakabilang buhay naman sa edad na 91.
Isa siyang mayamang meteorologist sa Paris. Napag-alaman na dating may taniman ng ubas ang kanyang parents.
Ang dahilan kung bakit sa Thiberville niya ipinagkaloob ang kanyang kayamanan—ito ay dahil ang maliit na bayan ay kagaya ng kanyang last name. Ni hindi nakarating kahit minsan si Roger sa lugar.
Ang tanging hiningi niyang kapalit ng kanyang pamana—ingatan ang mga abo ng kanyang labi sa isang local cemetery roon.