DAGUPAN CITY- Patuloy na pinaiigting ng kapulisan sa bayan ng Aguilar ang pagsasagawa ng COMELEC checkpoint at pagmomonitor sa kanilang lugar habang papalapit ang halalan 2025.

Ayon kay PMAJ Mark Ryan . Taminaya, OIC ng Aguilar Municipal Police Station, kanilang tiniyak ang mahigpit na pagpapatupad ng mga checkpoint sa kanilang bayan sa tulong ng mga estratehiya, hakbang at mga planong kanilang ginawa upang masiguro ang tahimik at mapayapang kumunidad ngayong nagsimula na ang election period.

Aniya, bukod sa COMELEC checkpoint ay mayroon din silang regular checkpoint sa mga kakalsadahan sa kanilang lugar.

--Ads--

Dagdag din nito na wala pa silang nahuhuli o naitatalang lumalabag sa mandato at nanatiling tahimik ang kanilang bayan sa kabila ng pagsailalim nito sa areas of concern.

via Bombo Aira Chicano