DAGUPAN CITY- Dapat umanong managot ang Department of Migrant Workers (DMW) sa maling labing naiuwi dito sa Pilipinas dahil sa mahigpit na imbestigasyon at inspeksyon sa mga labi bago ibyehe pauwi ng bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rechilda Desunia, Vice Chairperson ng Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan, nakalulungkot ang nangyari, dahil apektado ang pamilya at mga naulili ng nasabing kakabayan.
Aniya, nakapagtataka dahil kumpleto ang kaukulang dokumento ng bangkay ng kababayang si Jenny upang maiwi, ngunit nang tingnan ay maling bangkay ang naiuwi sa Pilipinas.
Paulit-ulit lang din umano ang ganitong mga insidente, lalo na sa mga karahasan sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ibayong dagat.
Dagdag niya, naibalik na ang naiwuing bangkay sa Kuwait at nagkaroon ng kasunduang kaliwaan sa dalawang labi.
Samantala, sa ngayon ay nasa proseso na ang pag-uwi ng bangkay ni Jenny sa bansa at umaasa naman ang kaniyang pamilya na magiging maayos rin ang lahat.