DAGUPAN CITY- Naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) bilang substitute sa opisina ng Commission on Election Umingan ang anak ng nasawing incumbent councilor na tumatakbong konsehal sa bayan ng Umingan.

Matatandaan na tinambangan at pinagbabaril si Councilor Ponciano “Onyok” Onia noong unang linggo ng disyembre 2024 sa Barangay Lubong nang pauwi ito sa Barangay San Leon sa nasabing bayan galing sa isang meeting ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon kay Jinky Tabag, Election Officer ng nasabing opisina, na bandang alas-8 palang ng umaga ay nakapagfile na ang kahalili ni Onia ng certificate of candidacy bilang substitute upang makatakbo para sa halalan ngayong Mayo kasama ang kanyang pamilya, line-up ng kanyang ama at iba pang supporters.

--Ads--

Aniya na makikita parin ang kalungkutan sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay pero buong suporta naman ang ipinaramdam ng mga taong kasama nila.

Dagdag nito na sa ruling ng Comelec kung may mga ganitonh kaso ng nasawing kandidato ay maaring humalili ang kanyang kamag-anak kahit pa nagsimula na ang election period.

Saad pa nito na hindi maapektuhan ang pagprint ng comelec sa pag-substitute nito dahil pangalan parin ng kanyang ama ang nakasulat sa balota dahil ito parin naman ang inilagay nito sa Certificate of candidacy.

Samantala, ito aniya ay kauna-unahang pangyayari ng substitution sa kanilang opisina simula nang ito’y maupo sa bayan bilang Election Officer noong 2008 dahil sa pangyayari ng pagkakasawi ng isang kandidato ngunit sana aniya ay hindi na magkaroon ng kahalintulad pang sitwasyon.

Malaki aniya ang epekto nito sa kanilang opisina kung may kinalaman sa politika ang nangyari dahil maaring ideklara sa areas of concern ang kanilang nasasakupan.