Tinatayang nasa USD 40 bilyon ang kabuuang halaga ng mga bahay at istruktura na nasira sa nagpapatuloy na wildfire sa California kung saan ang halagang ito ay hindi pa kabilang ang mga danyos sa mga sasakyan at iba pa.
Ayon kay Maria Luna Orth – Bombo International News Correspondent sa Amerika nagsisimula na namang lumakas ang hangin kaya’t mahirap i-contain ang apoy kung saan hindi pa tiyak kung hanggang kailan ito magtatagal.
Bukod dito ay marami ding mga hayop ang nawala o nadamay dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Sa dami ng sunog ay nasa 43,000 land areas na ang apektado at naging malaking salik din ang pagiging tuyot ng mga area kaya’t madaling kumalat ang sunog.
Matatandaan na nagsimula ito noong Enero 7 sa pacific palisades hanggang sa kumalat ito sa iba’t ibang area sa California na sa kasalukuyan ay nasa 135 na ang kabuuan ng mga naitatalang sunog.