DAGUPAN CITY- Pagtatakip lamang umano ang Peace Rally ng simbahang Iglesia Ni Cristo (INC) noong Enero 13 sa panawagan hinggil sa pananagutan ni Vice President Sara Duterte sa misused fuds.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay France Castro, Representative ng ACT-Teachers Partylist, bagaman nilinaw ng simbahan na hindi ito politikal subalit nakita pa rin sa naturang rally ang ilang mga politiko na pumapabor sa mga Duterte.

Aniya, kung ipapanawagan ang kapayapaan sa bansa ay dapat mapanagot si VP Duterte sa kaniyang mga ginawa sa bansa.

--Ads--

Kaya para sa kaniya, kailangan maipagpatuloy ang mga kaso ng impeachment laban sa bise presidente.

Kaugnay nito, lumalabas na 41% ang sang-ayon sa impeachment ni Duterte habang 35% ang taliwas at 19% naman ang ‘undecided’.

Gayunpaman, malayang ipahayag ng INC ang kanilang saloobin lalo na’t sila ay nasa demokratikong bansa at kanilang nirerespeto ito. Giit na lamang niya na hindi pa rin dapat mang-insulto ang ilang mga miyembro nito sa mga hindi sang-ayon sa kanila.

Samantala, may mga inihahandang aktibidad rin ang mga complainants sa mga susunod na arawa at linggo upang ipahayag ang pagsulong ng impeachment ni VP Duterte.

Ani Castro, higit isang buwan na rin kase hindi umuusad ang mga reklamo subalit, inaasahan nilang maeendorso na ito sa Committee on Justice sa lalo’t malapit na panahon.

Kaugnay nito, pinabulaanan din niya na wala pang pang-apat na reklamo para sa nasabing impeachment.