Inaasahang mas tataas pa ang porsyento o bilang ng mga naapektuhan ng nagpapatuloy na wildfire sa Los Angeles, sa California kung saan 24 na katao na ang naipaulat na nasawi.
Ayon kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa California tinatayang nasa 12, 000 na istruktura na ang apektado at ang prediction na mas lalakas pa ang hangin sa mga susunod pang mga araw.
Aniya na nagdeklara na sila doon ng public health emergency lalo na at ang air quality ay apektado kaya’t pinapayuhan ang lahat na huwag munang lumabas sa kani-kanilang tahanan upang maiwasan ang anumang sakit.
Lalo na ang mga may sakit sa baga, mga matatanda at mga may commorbidities.
Bagama’t ay July hanggang August ang fire month doon ay ikinagulat nila kung bakit ito nangyari ngayong buwan ng Enero dahil kadalasan ay sila na mismo ang sumusunog sa mga damuhan para nakokontrol ang apoy subalit ngayon ay hindi ito inaasahan.
Gayunpaman, naroon parin ang malasakit ng mga tao sa bawat isa doon kung saan may mga namimigay ng pagkain sa mga apektado gayundin ang isang sikat na kainan na bukas upang magpakain ng libre basta’t ikaw ay bumbero.
Sa kasalukuyan ay hindi pa man tuluyang tapos ang fire disaster na ito aniya kailangang maging handa at mainam parin na magplano para sa kaligtasan.