Tatlong wildfire ang patuloy na sumisira sa area ng Los Angeles – ang pinakamalaki, ang Palisades Fire, kung saan ay 14% pa lamang ang naaapula.
Ayon kay Mayor Karen Bass ng Lungsod ng LA, inaasahang magkakaroon ng malalakas na hangin na katulad ng bagyong maaaring magdulot ng bagong mga sunog sa buong rehiyon.
Ayon naman sa isang residente sa Pacific Palisades, 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa pagkawasak ng buong komunidad dahil sa sunog.
--Ads--
Siyam na tao naman ang inaresto dahil sa panghoholdap sa rehiyon, ayon kay Los Angeles District Attorney Nathan Hochman.
Samantala, nagpahayag naman ng kalungkutan si US president Joe Biden para sa 24 na tao na namatay at 23 na nawawala sa area ng Eaton at Palisades.