Dagupan City – Nakadepende pa rin sa pinsala at kaso ang pagsusukat ng kasong Child Abuse.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominic Abril – Legal/Political Consultant, kung titignan kasi ang inilabas ng Korte Suprema, ipinapakita nito na hindi lahat ng mga uri ng pisikal na pagdidisiplina ay isang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan.

Kung saan, kinakailangan na ang ginagawnag pagdidisiplina sa mga ito ay hindi nakasisira sa kanilang dignidad.

--Ads--

Gaya na lamang ng hindi dapat labis, biolente at hindi tama sa kanilang pagiging makulit.

Sa katunayan aniya, ang corporal punishment ay hindi na pinapayagan ng saligang batas noon pang 1990’s, nangangahulugan na may tamang proseso ng pagdidispilina sa mga bata.

Hinggil naman sa sekswal na panghaharass sa mga bata, kung mapatanuyanan aniyang kikononsinte ang pananamantala sa mga ito ng kanilang magulang, maari silang maisama sa kaso at mahatulan.

Matatandaan na pinirmahan ni Associate Justice Jhosep Lopez ang desisyon dahil sa nagbunsod na kaso nang hatulan ang isang ama dahil sa labis na pagdisiplina sa 12-anyos anak nitong babae at 10-anyos anak nitong lalaki noong 2017 at 2018.

Kung saan pinagsisipa, sinabunutan at pinalo pa ng kahoy ang mga anak nito dahil umano sa ayaw nilang kumain ng pananghalian at ang pagkawala ng pera nilang iniipon.