DAGUPAN CITY- Nagsimula na ngayon araw ng Enero 12, ang mga kapulisan sa pagsasagawa ng checkpoint bilang pagtitiyak sa kaayusan at kapayapaan ngayon nagsimula na ang election period.
Ayon kay Atty. Reddy Balarbar, Assistant Regional Director ng Commission on Election (COMELEC) Region 1, naniniwala siya sa maayos at patas na pagpapatupad ng mga kapulisan sa bawat checkpoint.
Aniya, kinakailangan lamang ipaunawa, lalo na sa mga motorista, na isinasagawa ito para sa peace and order.
Kasabay rin nito ang pagpapatupad ng gun ban o ang pagbabawal ng pagbitbit ng anumang klase ng baril, rehistrado man o hindi.
Samantala, sinabi naman ni Atty. Erickson Oganiza, Election Supervisor ng Comelec Pangasinan, naging basehan naman ang estado ng nasabing bayan noong nakaraang eleksyon upang tukuyin ang areas of concern.
Kabilang na dito ang nagiging ‘intense’ na political rivalry kaya idinedeklara ang isang bayan sa Red Status.
Aniya, mas nakahanda ang mga law enforcement sa mga idineklarang Red, Yellow, at Orange Status.
Dagdag pa niya, mahigpit pa rin binabantayan ang mga nasa ilalim ng Green Status.