Dagupan City – Nag-organisa ang Municipal Agricultural Office (MAO) sa bayan ng Bayambang ng isang pagsasanay patungkol sa Hydroponics Farming.
Ang proyektong ito ay inumpishan noong July 2024 pa lamang para sa mga miyembro ng Kalipunan ng Lahing Pilipina (KALIPI) – Bayambang Chapter sa Brgy. Zone II.
Kaya naman ngayong linggo, nag-umpisa na silang makapag-ani ng kanilang mga pananim at nakapagbenta na rin ng kanilang naaning Hydroponically Grwon Lettuce.
Malaking tulong at suporta naman ito para sila ay makapag-umpisa ng kanilang livelihood project.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, nakapagbibigay ang MAO ng sapat na kaalaman ng nasabing grupo patungkol sa kanilang kakayahan pagdating sa makabagong teknolohiya.
Dito ay natuto sila sa pagtatanim ng hindi na kinakailangan pang gumamit ng lupa.