Mga Ka-bombo! Mahilig ka bang manood ng mga pranks sa social media? 

Paano kung ikaw ang mabiktima nito, kung saan kailangan pang humantong sa korte dahil sa ilang mga legalidad na nakapaloob dito? 

Ganito kasi ang nangyari sa isang babae mula sa Australia nang ang inaakalang kasal na social media prank lamang ay totoong kasal pala. 

--Ads--

Dahil dito, ang babae ay nakatanggap ng annulment grant matapos mapag-alaman na ang kanyang asawa ay nagsagawa ng pekeng kasal upang makuha ang permanent residency sa nasabing bansa.

Ayon sa mga dokumento, nagkakilala ang dalawa sa isang dating app. 

Agad silang nag-click at nag-imbita sa kanya sa isang ‘all-white party’ ilang araw pagkatapos ng kanilang pagbisita. 

Hindi naman nagduda ang babae dahil naisip niyang ito ay isang regular na pagdiriwang lamang, katulad ng kanilang naranasan sa kanilang lugar.

Subalit, pagdating nila sa venue, napansin niyang hindi ito isang ordinaryong party.

Hindi nagtagal, natuklasan niyang ang kanyang kasal ay bahagi pala ng isang scheme upang tulungan ang lalaki na mag-apply ng asylum sa bansa. 

Dahil sa nangyari, pinayagan ng Australian court na ma-annul ang dalawa.