DAGUPAN CITY- Isa lamang panibagong kaso ng laban sa pagitan ng democrats at republicans ang kinakaharap na hush-money case ni US President-Elect Donald Trump.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa USA, kaniyang ikinatutuwa ang paghatol ng korte ng ‘unconditional discharge’ para sa susunod na pangulo.

Maaari kase aniyang makaapekto lamang sa responsibilidad ni Trump bilang pangulo sa oras na maupo na ito.

--Ads--

At bilang pangulo, tama lamang na immune ang mga ito sa mga law suits.

Ani Adkins, patunay din ito na may umiiral na batas at hustisya sa Amerika.

Hiling na lamang niya na ang inauguration ni Trump sa January 20 ay magsilbing selebrasyon na lamang kaysa maging daan para sa political drama.