Dagupan City – Ipina-safekeeping na sa himpilan ng kapulisan bago magpatupad ng Comelec Gun Ban ang 2 baril na pagmamay-ari ng isang political candidate sa bayan ng Rosales.
Ayon kay Pmaj. Noel DC. Cabacungan ang Officer in Charge ng Rosales PNP, kinabibilangan ito ng isang M16 Revolver at isang Caliber 45 na baril kaugnay naman sa paghahanda para sa pagpapatupad ng Comelec Gun Ban bukas Enero 12, 2025.
Kung saan ay hudyat na rin ito ng pagsisimula ng Election period upang matutukan ng mga kapulisan ang pagsunod ng bawat indibidwal sa mga alituntunin sa darating na halalan upang mapanatili ang maayos at mapayapang eleksyon na hindi gumagamit ng karahasan sa National and Local Election 2025.
Dahil dito, nagpapatuloy ang kanilang ginagawang pagpapaalala gamit ang social media at pagpapakalat ng mga informative materials sa mga barangay at motorista kapag nagchecheck-point.
At ang pagbabawal sa pagdadala ng baril kung saan-saan kahit pa lisensyado ito, dahil kailangan munang mag-apply ng Comelec Exemption ang mga sibilyan para makapagdala ng baril sa araw ng eleksyon period.
Aniya, kinakailangan kasi ng maisurrender o maisafekeeping sa kanilang himpilan ang mga ito upang maiwasan ang maaring kaharaping kaso o asunto kapag mahuling nagdala o gumamit ng baril sa panahon iyon.