Mga kabombo! Ano ang kaya mong gawin para panindigan ang katagang “YOLO o You Only Live Once?”

Kaya mo bang bumili ng nasa 65 sasakyan? Take note! Hindi lang ito basta-basta sasakyan kundi, mga motorbikes, scooters, at classic cars.

Bongga kasi ang isang car enthusiast na kinilalang si Jane Weitzmann ng Evesham, Worchester, United Kingdom.

--Ads--

Paano ba naman kasi, dahil sa dami ng kaniyang “collection” nagpagawa na ito ng malaking garage na kayang ma-accommodate ang hanggang 65 vehicles.

Ayon sa ulat, ginugol umano ni Jane ang kanyang adult life sa pagkokolekta ng motorbikes, scooters, and classic cars. Kung saan, isa nga sa mga ipinagmamalaki nito ay ang pagkakaroon ng nasa 50 sasakyan, at ang 40 rito ay kotse na kinabibilangan ng:Toyota 2000GT, isang classic Vanwall, at Ford GTD 40.

Aniya, wala siyang planong ibenta ang mga ito, at pag-amin pa niya na regular din niyang minamaneho ang mga ito.

Sa katunayan aniya, namana nito ang pagiging isang curator sa kanyang ama.

Dahil nga dito, hindi nawala ang puso ni Jane sa mga sasakyan at nang magpakasal, sinimulan na rin nilang mag-asawa ang magkolekta ng classic cars.

Sa kasalukuyan, si Jane ay byuda na at kasalukuyang tumitira kung saan niya ipinagawa ang malaking garahe noong 2018.

Ayon sa mga eksperto ng mga vintage cars, nasa USD30,000 o P1.5M ang halaga nito sa market at posibleng tumaas pa depende sa mileage at kundisyon habang ang mga iba naman ay nasa USD62,500 o P3.6M.