Isa rin ba kayo ng mga kaibigan mo ang nasubukan magkaroon ng paligsahan sa swimming pool? Ang mas matagal sa ilalim ng pool ang siyang panalo.
Ngunit kung isasama si Amber Bourke ng Australia, magwawagi pa rin ba kayo?
Si Bourke lang naman ang nakapagtala ng “longest underwater walk with one breath” sa female category.
Siya ay isang 35 anyos na Austalian freediver na sumubok ng 370-foot, 2-inch stroll sa ilalim ng swimming pool upang makamit ang nasabing Guinness World Record.
10 taon nang nasa larangan ng freediving si Bourke. Ginugol niya ang ilang linggong pag-eensayo upang mahigitan ang kaniyang sariling personal record na 334 feet, 7 inches at isa rin record na kaniyang naitala sa Guinness.
Maliban kase sa pangarap niyang makapagtala ng record ay lumilikom rin siya ng pera para suportahan ang Australian Marine Conservation Society.
Sa kasalukuyan, may hawak na rin siyang 17 Australian freediving records at isang International Association for the Development of Apnea World record para sa underwater swimming.