Idineklarang isa sa mga areas of concern ang syudad ng Dagupan o nasa yellow category.

Ito ay marahil sa existence ng intense political rivalry kaya’t kinakailangang sundan ang parameters na isenet upang magkaroon ng karampatang security.

Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento – COMELEC, Officer Dagupan City bagama’t ay walang problema sa seguridad sa lungsod ay pag-uusapan pa nila ang isasagawang hakbang sa pagbabantay sa durasyon ng campaign period.

--Ads--

Aniya na aasahan na madadagdagan ang mga police personnel subalit pagbabahagi niya noong pahanon pa lamang ng paghahain ng certificate of candidacy ay nakabantay na ang kapulisan.

Kung saan may threat assessment background investigation na ang mga ito upang matukoy ang track record ng mga kakandidato.

Kaugnay nito ay agpapatupad naman ng gun ban simula sa Enero 12 gayundin ang pagsasagawa ng checkpoint kaya’t panawagan niya sa mga motorista na huwag lalagpasan ang mga comelec checkpoint at ipinagbabawala din ang pagdadala ng baril.

Samantala, ayon naman kay Atty. Ericson B. Oganiza Provincial Election Supervisor, COMELEC Pangasinan may may dineclare ng areas of concern subalit aniya kapag may mga nangyaring kaguluhan ay saka sila maglalagay ng augmentation.

Saad nito na ilang beses ng nagdedeklara ang syudad ng Dagupan na areas of concern subalit aniya ay wala namang nangyayaring sakitan o patayan, wala ding presence ng mga armed groups o terrorists groups kaya’t aniya ay huwag itong panguhanan dahil wala namang nararamdaman na magkakagulo sa darating na eleksiyon.