DAGUPAN CITY- Hindi ramdam ng mga magsasaka sa Pilipinas ang epekto ng pagtaas ng rice importation ng bigas dahil sa problemang kinahaharap sa sangay ng agrikultura tulad ng hoarding at iba pang mga problemang kanilang kinahaharap.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, nakapagtataka lamang dahil sa taas ng rice import ng lokal na bigas ay nananataili pa rin ang mataas ng presyo nito sa local market.
Aniya, kung titingnang mabuti ay malaking kalugian ito sa hanay ng mga magsasaka, kung saan tila hindi nagiging patas ang panahon ay pagkakataon sa mga nangyayari sa bansa.
Dagdag niya, dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin ay maraming mga Pilipino ang nagsasabing sila ay nananatiling mahirap.
Samantala, patuloy na lumalala ang problema ng smuggling at hoarding ng mga agricutural products na nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga magsasaka.