DAGUPAN CITY- Magsisilbing pagbibigay galang ang ilang proyekto ng pamahalaang panlalawigan para sa mga miyembro ng veterans federations of the Philippins at sa makasaysayang Lingayen Gulf.
Ayon kay Gov. Ramon “Monmon” Guico III, kabilang na sa mga proyekto ay ang reflective pool at ang reactive fountain.
Ang nasabing organisasyon naman ay itinatag upang magbigay ng benepisyo sa mga beterano ng digmaan at sa kanilang mga pamilya.
Aniya, may masterplan na rin para sa paglalagyan ng mga exhibit kung saan makikita ang mga sinaunang eroplano at iba pang kagamitan noong panahon ng gyera.
Samantala, manggagaling naman sa ilang senador at ilang local source ang pondo na gagamitin sa proyeko.
Parte rin ang Capitol Complex Development ng provincial loan.
Tuloy-tuloy naman ang konstruksyon ng mga proyekto upang matapos ang mga ito sa lalong madaling panahon.