Labis na nagluluksa ang pamilya ng isang Grade 12 na estudyante matapos niyang kitilin ang sariling buhay sa bayan ng Binmaley dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PLt. Antonio Juguilon Jr. Operation officer ng Binmaley PNP, sa paunang imbestigasyon, natuklasan na bandang 3:45 ng madaling ng parehong araw, natagpuan ang biktima na nakabitin sa kanilang kusina, gamit ang isang nylon cord na nakapalibot sa kanyang leeg.

Pagkakita sa biktima, agad na tinanggal ang lubid at sinubukan na iligtas ngunit hindi ito nagtagumpay.

--Ads--

Lumalabas sa imbestigasyon, na pangalawa na itong suidice ng biktima dahil una rito ay nagkaroon ng naunang pagtatangkang magpakamatay noong Disyembre 18, 2024, sa pamamagitan ng pag-inom ng alak at isang uri ng kemikal na panlinis ngunit agad itong dinala sa Pangasinan Doctor’s Hospital sa San Carlos City para sa medikal na paggamot.

Hindi pa malaman kung anong tunay na rason ng biktima bakit niya ito.