Dagupan City – Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – Alaminos City Jail ang “Karamay sa Pagsubok, Kaalalay sa Pagbangon” program.

Kung saan pormal nang nilagdaan ang Memorandum of Agreement Signing at Launching ng naturang programa katuwang sina Mayor Arth Bryan C. Celeste, katuwang 1st District Congressman sa pangunguna ni Congressman Arthur F. Celeste, at JSINSP Marlon Niturada.

Ito ay naglalayong tulungan ang mga persons deprived of liberty o PDL sa pamamagitan ng mga programa sa kabuhayan upang makabangon sila sa buhay. Layunin din nitong bigyan sila ng pag-asa at suporta sa mga panahong kailangan nila.

--Ads--

Samantala, kaugnay nito ay inanuyo rin ng pamahalaang local ang pagbibigay ng libreng kabaong bilang bahagi ng programa katuwang din ang mga Partner Funeral Parlors para sa mga kwalipikadong residente sa lungod.

Kinakailangan lamang nilang magtungo sa city mayo’s offive o sa City Administrator’s Office para sa mga impormasyon.