DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! Sabi ng ilan, sick leave ang susi upang hindi makapasok sa trabaho.

Ngunit, paano kung magkaroon ng magdato sa inyong lugar kung saan bawal magkasakit?

Ganito kasi ang nangyari sa Italy, kung saan isang nakakagulat na proklamasyon ang ipinalabas ni Mayor Antonio Torchia ng Belcastro, Calabria sa Italy kung saan na bawal umanong magkasakit ang mga reisdente ng nasabing bayan.

--Ads--

Ayon sa proklamasyon, ipinag-utos na huwag magkasakit ang sinuman sa mga residente at huwag magsagawa ng mga aktibidad na maaaring magdulot ng malubhang pagkakasugat o pinsala.

Paliwanag ni Torchia, ang hakbang na ito ay isang pabirong paraan upang itampok ang mga problema sa lokal na sistema ng pangangalaga sa kalusugan.

Ayon sa alkalde, kalahati ng populasyon ng Belcastro na may 1,200 katao ay may edad 65 pataas.

Ang pinakamalapit na ospital ay nasa halos 30 milyang distansya, at maaari lamang itong maabot sa isang kalsadang may limitasyon na 18 milya kada oras.

Sa kasalukuyan, may isang doktor na naka-on-call sa bayan, ngunit hindi ito available tuwing gabi, weekend, o holidays.
Dahil ang Calabria ay isa sa pinakamahirap na rehiyon sa Italya, maraming ospital ang nagsara mula pa noong 2009.