DAGUPAN CITY- Humihingi ng paumanhin at tiniyak na rin ng PAMANA Water District Dagupan City na nagkaroon na ng aksyon ang mga reklamong may buhangin ang linya ng tubig sa ilang kabahayan sa Brgy. Malued, sa syudad ng Dagupan.

Ayon kay Marge Navata, Spokesperson ng nasabing kumpanya, may pagkakataon lamang na nangyayari ang ganitong sitwasyon dahil nasa ilalim ng lupa ang linya ng mga tubig subalit, hindi ito mangyayari ng buong taon.

Aniya, sa 24 pumping station ay nag install na sila ng sub-separator upang maihawalay ang mga buhangin na dumadaloy sa tubig. At kung may sumasama pa rin na buhangin ay kakarampot lamang ito.

--Ads--

Inaabiso na lamang nila na iwasan na itong inumin kung nakitaan na ng buhangin. At para malinisan, lagyan naman ng strainer ang faucet at tsaka idulog sa kanilang tanggapan.

Mas mainam naman kung ‘flushing’ na ang gagawin upang mas malinisan ang linya ng tubig.

Maliban riyan, nakakatanggap din sila ng reklamong mahinang pressure ng katubigan lalo na sa tuwing rush hour.

Aniya, kadalasan ay dulot ito ng leak o tagas o ang paggamit ng pump booster.

Samantala, sinabi naman ni Navata na tuloy-tuloy ang kanilang pag-upgrade sa mga linya ng tubig para sa mas magandang serbisyo.

Tuloy tuloy rin ang kanilang paghahanap sa mga pagtatayuan ng pumping stations sa mga island barangay.