Nasolusyunan na ang problema para sa mga motorista at residente ng ilang barangay sa bayan ng Bayambang.
Naisagawa rito ang asphalt overlay sa Bical-Tanolong Road, sa inisyatibo ng alkalde ng bayan o ng lokal na pamahalaan at sa tulong ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ng gobernador.
Mula naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pondo na ginamit dito at aasahang matatapos na ito bago pa matapos ang taong 2025.
Layunin ng proyektong ito na pansamantalang tugunan ang problema ng lubak-lubak na daan, na kung saan nahihirapan na ang mga motorista at mga magsasaka sa nasabing bayan.
Maapabuti rin nito ang kaligtasan ng bawat manlalakbay.
Samantala, patuloy ang gobyerno sa kanilang mga plano para sa iba pang mga daan sa buong bayan upang masiguro ang patuloy na kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan.