Pinuri ng Ecowaste Coalition ang pagbabala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga Local Government Units (LGUs) ukol sa pagpapatupad ng waste management plan.

Ayon kay Aileen Lucero National Coordinator, Ecowaste Coalition ang mga ganitong hakbang ay layunin na mapaigting ang pag-implementa ng solid waste management plan upang maayos na mapangasiwaan ang mga basura.

Bagama’t ito ay kanilang mandato na maipatupad kaya’t marapat na ito ay kanilang sundin.

--Ads--

Matapos kasi ng holiday season ay nakita rin ang tambak ng mga holiday trash gayundin ang mga basura na may halong paputok.

Kung kaya’t pagbabahagi nito na kung kaya namang i-manage, isegregate at kung pwedeng pwede namang magkaroon ng mga alternatibong magagamit bagkus na mga bagay na maggegenerate ng basura aniya ay ito na lamang ang gamitin.

Samantala, sa nalalapit naman na eleksiyon ay inaasahan din ang pagdating na naman ng mga election related waste na siya makadaragdag na naman sa volume ng mga basura.

Kaugnay nito ay dapat makita aniya ang mga best practice sa pangangasiwa ng mga basura upang malaman kung ano-ano ang mga kailangang ipenalize at kung sino-sino ang pwedeng mabigyan ng insentibo.

Dahil aniya ang paggawa ng maliit na bagay ay malaki ang magiging impact nito sa kapaligiran.