Dagupan City – Umabot 47 mga job fair ang isinagawa ng Department of Labor and Employment o DOLE Central Pangasinan sa nakalipas na 2024.

Nangyari ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Public Employment Services Office (PESO) at iba’t ibang Local Government Unit (LGU) sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Rhodora Dingle, Officer in Charge ng DOLE Central Pangasinan, ang mga job fair na ito ay nag-alok ng iba’t ibang trabaho, lokal man o internasyonal para makatulong sa ilang aplikante na makahanap ng trabaho base sa kanilang kakayahan at para matulungan silang maiangat ang kanilang pamumuhay.

--Ads--

Nasa 5824 ang mga naging aplikante sa mga job fair kung saan 446 ang nakakuha ng trabaho on the spot.
Kaugnay nito ginanap ang bawat mga job fair sa mga malls at iba pang angkop na lugar para dito.

Samantala, para sa taong 2025, naghahanda na ang DOLE Central Pangasinan at nag-aayos ng mga kinakailangang permit at clearance sa bawat LGU upang mas marami pang matulungan na makahanap ng trabaho.

Inaasahan nilang mas marami pang oportunidad o trabaho ang mabubuksan para sa mga tao ngayong taong 2025. (Oliver Dacumos)