DAGUPAN CITY- Tuloy-tuloy na ang isinasagawang hakbang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LFTRB) para sa jeepney modernization program.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marlyn Dela Cruz, Presidente ng Busina, natutuwa ang kanilang grupo dahil sa mga nangyayaring kaganapan at advancement sa transportasyon sa bansa.
Aniya, malaking bagay ang gagawing re-routing upang makinabang ang mga driver ng jeepney.
--Ads--
Imomodernize na rin umano ang mga jeepney na hindi nakapasa.
Nagkaroon ng mandato at nagbigay ng deadline ang LFTRB kaya’t dapat itong sundin.
Sinabi rin umano ng LTFRB na magbibigay sila ng alternatibong solusyon bilang tulong sa mga maaapektuhan.