DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! Mahilig ka ba sa pets?

Paano kung ang alaga mo ay napakalikot hanggang sa humantong na sa pagnanakaw?

Parang imposible ngunit iyan ang nangyari sa Northdale, South Africa, kung saan nagdala ng panic alarm ang isang unggoy na nagnakaw ng remote control mula sa isang tahanan.

--Ads--

Ayon sa isang kilalang security company, nakatanggap sila ng maraming panic alarm signals mula sa isang bahay sa Northdale kinabukasan ng Pasko.

Sa unang akala ng mga awtoridad, ang kliyente ay nasa panganib kaya’t agad nilang ipinadala ang kanilang mga yunit sa nasabing tahanan.

Ngunit nang dumating ang unang team, ikinagulat nila nang ipaalam ng kliyente na isang unggoy ang pumasok sa bahay at tinangay ang remote na may kasamang panic button.

Pagkatapos magnakaw ng remote, tumakas ang unggoy, at patuloy na nagpadala ng panic signals ang sistema hanggang sa mawala na ang unggoy mula sa sakop ng receiver.

Bagamat nakalagulat ang nangyari, hindi na ito ginawag big-deal ng mga awtoridad.