Hindi nakitaan ng pagtaas sa kaso ng scams sa rehiyon uno ngayong holiday season.
Ayon kay June Vincent Manuel S. Gaudan OIC Regional Director, Department of Information and Communication Technology Region 1 naging self-aware na ang mga tao sa rehiyon kaya’t walang gaanong naitatalang kaso.
Aniya na minomonitor ng kanilang tanggapan ang mga cybercrime sa rehiyon at mayroon na silang multiple approach gayundin sa pagmomonitor sa mga cyber-criminals.
Kaugnay nito ay mayroon silang attached agency na maaaring puntahan patungkol sa mga cybercrime investigation upang mai-coordinate lahat ng mga scams maging ang pagsasagawa ng mga hakbangin ukol naman sa consumer protection.
Panawagan naman nito na dapat ay magsagawa ang gobyerno ng mga paraan upang mabawasan ang cybercrime cases sa bansa.
Dapat din na maging pro-active sila sa pagprotekta sa mainstream upang wala ng mabiktima.
Gayunpaman, maraming mga cyber security measure na kanilang isinasagawa ngunit aniya ang ‘weakest point’ ay mga tao kung saan dapat ang paggawa ng kanilang security o password ay hindi madaling matrace o makuha.
Bagama’t ay well-equipped ang kanilang tanggapan pinaalalahanan parin nito na maging self-aware dahil nagiging creative na ang mga krimal sa ngayon.
Samantala, nakasisiguro naman aniya na aktibo ang DICT patungkol sa cybersecurity sa buong rehiyon.