DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! Paano kung ang kinakain mong handa para sa Pasko sa inyong bahay ay hindi pala libre?

Naku! Magkano kaya ang sisingilin sayo?

Isang ina kasi sa Hampshire, England, ang nagdesisyon na maningil sa kanyang pamilya para sa Christmas dinner ngayong taon.

--Ads--

Si Abi Richards, 35, ay nagsabing gumastos siya ng halos $300 (halos P17,000) para sa pagkain at inumin na ihahanda niya para sa 10 miyembro ng pamilya sa loob ng tatlong araw .

Sinabi niya na ito na ang ika-apat na taon na siya ang nagho-host ng Christmas dinner, at sa mga nakaraang taon, ang pamilya ay nag-aambag sa mga gastusin.

Kasama ng kanilang immediate family, ipinaghanda rin ni Richards ang kanyang ina, biyenan, kapatid, kasosyo ng kapatid, at pamangkin.

Ayon sa kanya, ang menu ay binubuo ng roast turkey na may mga tradisyonal na side dishes, pati na rin mga leftover at buffet sa mga sumunod na araw.

Habang ang kanyang desisyon ay may mga tagasuporta, tiyak na magpapatuloy ang usapin tungkol sa tamang paraan ng pagdiriwang ng Pasko at kung ang mga pamilya ba ay dapat mag-ambag o magbigay ng tulong sa gastos.