Mga kabombo! Nakakita ka na ba ng puno na may four-legged?

Kinilala kasi ang isang archway tree na matatagpuan sa Cedar Falls ang itinuturing na “coolest Iowa tree ever.” na nasa 109-years na.

Ayon sa ulat, kinilala ang may-ari ng bahay kung saan nasa ilalim ang pangalan ng puno na si Tim Olsen—na matatagpuan sa 1800 block of Tremont Street sa Cedar Falls—kung saan itinanim ang puno.

--Ads--

Ayon kay Tim, isang German farmer na nagngangalang John Henning—ang nagkabit-kabit ng apat na linden tree saplings noong 1915—limang taon bago pa itinayo ang bahay ng Olsen family.

Experiment lang ito ni John na malawak ang karanasan sa pagga-graft ng apple trees.

Gusto rin niyang magaya ang archways ng linden trees mula sa Berlin kung saan siya nagmula.

At dahil magkakakabit ang mga katawan ng apat na puno, habang lumalaki ay nagkadikit-dikit sila.

Mula naman sa nabuong archway, umusbong ang isang puno na siyang lumaki kaya nagmistulang may apat na paa ito.

Noong 1933, isasali sana ang four-legged tree sa isang world fair sa Chicago dahil noong time na iyon ay wala pang nakakakita ng ganitong klase ng puno.