Tinitiyak ng kapulisan ng Lingayen MPS na handang handa na sila sa pagsalubong ng bagong taon.
Kung saan lahat ng mga kaganapan na isasagawa ngayong holiday season sa bayan ng Lingayen, ay mayroong mga deployment plan na nakahanda para sa mga kapulisan.
Ayon kay Pltcol. Amor Mio Somine – COP, Lingayen PNP, mas mainam na mas maaga nang nakahanada ang kanilang plano sa deployment upang makita kung may mga dapat pa bang baguhin.
Ang deployment ng kapulisan ay nahahati sa 3 sektor: ang Sector 1 ay ang central business district na may 8 barangay.; at ang Sector 2 at Sector 3 naman ay bandang southern at eastern district na may tig-12 na barangay.
Mayroon ring mga naka destinong magpapatrol sa mga lugar na ito upang kung sakaling may mangyaring insidente o matanggap na report ay alam kung sino ang mga nakatalagang pulis dito.
Aniya na nakita naman nilang maganda ang paghahanda ng PNP Lingayen sa mga nakaraang taon, sa halip na baguhin ito ay kanilang iaadapt o di naman kaya ay dadagdagan na lamang ito upang mas makakatulong pa sa kanilang nasasakupan at mas makasiguro na ang pagdadaos ng bagong taon sakanilang bayan ay 0-incident.
Isa pa sakanilang tinututukan ay ang paggamit ng ipinagbabawal na boga na karaniwang mga menor de edad at marami ang gumagamit nito, na kung saan ay nagumpisa na rin silang magkumpiska ng mga gumagamit nito.
Samantala, patuloy din ang pagmomonitor nila sa mga ilan pang kapulisan na nakatalaga sa kani-kanilang pwesto.