Dapat ay maging bukas sa makabagong teknolohiya gayundin sa mga makabagong pamamaraan.

Yan ang ibinahagi ni Leonardo Montemayor Chairman Federation of Free Farmers kaugnay sa pagkuha ng Department of Agriculture (DA) ng isang Vietnamese na eksperto upang magtayo ng mga sistema ng patubig sa apat na patag, kung saan binanggit na ang pamamaraan ay inaasahang 50 porsiyentong mas mura kaysa sa tradisyonal na mga proyekto ng patubig sa Pilipinas.

Aniya na kung ito ay epektibo na mas mapapababa ang paggawa ng irrigation system ay bakit hindi ito subukan dahil makatutulong ito sa ating mga magsasaka.

--Ads--

Bukod dito ay hindi rin naman masama na tayong ay magpunta sa ibang bansa upang matuto sakanila.

Nakakalungkot lamang aniya dahil matagal ng gumagawa ng irrigation system sa bansa at bakit hindi naisip ang sinasabi ng nasabing eksperto sa vietnam.

Gayunpaman, kung makatutulong naman ito para sa kasiguraduhan sa pagkain ay isa itong magandang pamamaraan.