Hindi dapat maalarma sa pagbaba ng approval ratings ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa katatapos lamang na Pulse Asia survey.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera – Constitutional lawyer sa midterms ay bumababa talaga ang approval ratings ng mga namumuno lalo na kung may mga polisiya na hindi popular, mga pangako na hindi natutupad at expectations na hindi naabot.

Aniya na ang pagbabang ito ay normal lamang at makikita rin ito sa mga nakalipas na liderato pagdating sa mga lumalabas na survey.

--Ads--

Samantala, kay VP Sara naman ay lubos na nakaapekto sa kaniyang approval ratings ang kasalukuyang imbestigasyong isinasagawa laban sakanya at sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama’t ay nakakalkal ang mga krimen nito at lahat ng mga pag-iimbestiga ay ibinabato sakanya.

Bukod dito ay malaki din ang naging epekto ng bangayan ng dalawang lider na dati ay magkaalyado sa naging ratings nila.

Asahan naman aniya na bababa pa ito sa pagpapatuloy ng nasabing imbestigasyon.