Nasa 2392 ang kabuuang bilang ng mga nakadeploy na hanay ng kapulisan ngayong bisperas ng pasko kung saan nakapokus ang mga ito sa pagbabantay sa mga kabahayan, commercial at traffic areas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pltcol. Benigno Sumawang Chief, Regional Public Information Office-PRO1 patuloy ang kanilang public safety campaigns maging ang pagbibigay kaalaman o awareness sa publiko patungkol sa firecrackers at crime prevention.

Bukod dito ay nagsasagawa din sila ng checkpoint operations maging ang pagbabantay sa mga transportation, terminal at ibang mga pasylan sa lalawigan.

--Ads--

Aniya na pinaiigting din nila ang kampanya para maiwasan ang anumang aksidente sa kakalsadahan.

Patuloy naman ang kanilang koordinasyon sa mga MDRRMO sa mga bayan maging ang kolaborasyon sa mga lgus.

Pagbabahagi naman nito na hangad ng kapulisan na magkaroon ng ligtas na kapaskuhan hanggang sa bagong taon kaya’t dapat na sundin ang batas trapiko at huwag uminom kapag nagmamaneho.