Masakit para sa mga membro ng LGBTQIA+ ang balak ni US President-elect Donald Trump na ititigil ang tinawag niyang lunacy sa transgender sa unang araw ng kanyang pagkapangulo.
Ayon kay Lexi Austria, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, very descriminatory ang dating dahil masasagasaan o matatanggalan sila ng mga karapatan maging sa pagtratrabaho kahit saan.
Giit ni Austria na hindi siya sang ayon at hindi makatarungan ang hakbang ng Trump.
Naniniwala naman siya na mas maraming problema ngayon ang US na kinakaharap at maaring maisakatuparan ang hakbang na ito sa mga huling bahagi ng termino ng Trump administration.
Matatandaan na sa isang event sa Phoenix, Arizona, sinabi ni Trump na pipirma siya ng mga executive orders upang wakasan ang child sexual mutilation, alisin ang mga transgender sa militar at sa mga paaralan.