Dagupan City – Maaring nakaapekto ang pagtaas ng inflation at bangayan sa Pamalanaan sa bumabang approval ratings ni PBBM sa Pulse Asia survey.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, bagama’t umiiwas at hindi nakikitang pumapatol ang pangulo sa mga usapin at bangayan sa loob ng pamahalaan ay hindi pa rin maitatanggi na siya ang pagbibigyang diin sa mga kaganapan.
Ngunit sa kabila nito, nilinaw ni Yusingco na normal na ang pagbaba ng ratings ng isang pangulo gaya na lamang ng mga nakaraang administrasyon.
Dalawa naman aniya ang maaaring pagbagasakang resulta na epekto ng sruvey gaya na lamang ng; mananatiling hindi apektado ang pangulo sa resulta, at itutuloy pa rin ang kaniyang mga dati at orihinal na plano. O kaya naman, maaring baguhin nito ang kaniyang mga programa upang ang maging objective niya ay pataasin ang trust rating sa bansa.
Samantala, bukod naman sa banagayan sa pamahalaan at ang pagtaas ng inflation o bilihin, sinabi ni Yusingco na isa rin sa nakikita nitong dahilan ay ang pagkakaroon ng 0 Budget ng PhilHealth at ang pagtapyas sa mga pangunahing departamento sa bansa gaya na lamang ng Department of Education o DepEd at Department of Agriculture o DA.
Sa kabila nito, nauna nang sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin na hindi basehan ng epektibong serbisyo publiko ang mataas na popularity ratings.