Dagupan City – Hindi malabong makamit ang paggawad ng clemency kay Mary Jane Veloso sa araw ng pasko.
Ito ang naging sentimyento ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, sa pag-asa ng pamilya nito at iba pang sumuporta kay Veloso na muling makapilinga ng pamilya sa araw ng pasko sa loob ng kanilang sariling tahanan.
Aniya, kung titignan kasi, taon-taon nang nangyayari ang ganitong scenario, kung saan mayroong mga ginagawaran ng clemency sa araw ng pasko.
Matatandaan na ipinaubaya na ng Indonesian government sa gobyerno ng Pilipinas ang gagawin na sa tingin nito ay makakabuti para kay Veloso, matapos na palayain at ibalik ito sa bansa.
Hindi rin aniya nakikitaan pa ito ng conflict o anumang pag-alma ng Indonesia sa Philippine policies dahil ang pagpapabalik pa lamang kay Veloso sa bansa matapos ang 15 taong pagkakabilanggo sa Indonesia ay asapat ng indikasyon na pinapalaya na si Veloso sa kanilang puwang.
Sa kabila nito, muling binigyang diin ni Yusingco na dapat na tutukan ng policy makers ng Pilipinas ang tungkol sa kung bakit kinakailangan pa ng mga Pinoy na makipagsapalaran sa ibang bansa para lamang sa magtrabaho dahil sa mababang tulong at tugon ng pamahalaan sa bansa.