Dagupan City – Mukhang malabo nang makamit ang impeachment complaint ng grupo kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang naging pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, ito’y dahil sa kadahilanang naka-Christmas break na ang kongreso.
Bagama’t ang 3 impeachment complaint laban sa bise ay nasa opisina ni House Speaker Martin Romualdez, sinabi ni Yusingco na hindi rin agad-agad masasabi ang deisyson dahil kakailanganin pa itong himay-himayin upang sabihin ang subtsance bago ipapakita sa plenaryo.
Binigyang diin nito na mukang hindi na ito aabot pa sa oras bago ang election at campaign period.
Matatandaan na inendorso ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña sa House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Duterte na inihain ng advocacy groups, civil society organizations, religious leaders, sectoral representatives at mga pamilya umano ng mga biktima ng Oplan Tokhang ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.