DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! Mahilig ka bang magbasa ng libro?

Paano kung ang hiniram mong libro ay marked as lost na?

Isang aklat kasing nawawala ng tatlong dekada ang muling ibinalik sa library ng Crediton sa United Kingdom, na ikinatuwa ng mga librarian at mga mambabasa.

--Ads--

Sa isang post, ibinahagi ng Crediton Library ang kwento ng “Thomas’s ABC,” isang librong may label na overdue ng 31.5 taon.

Ipinakita rin nila ang dalawang larawan, ang isang litrato ng aklat at ang sobre na walang return address, at ang isa pa ay ang borrowing card na may huling stamp noong Marso 25, 1993.

Hindi ito ang tanging kaso ng matagal na pagbalik ng aklat sa mga library.

Si Chuck Hildebrandt, isang lalaki mula sa U.S., ay nakakita ng aklat na nahulog sa kanyang mga kamay ng 50 taon, ngunit nang ibalik niya ito, tinanggihan siya ng library.

Tinawag ng isang user sa social media na “isang himala ng Pasko” ang pagbabalik ng aklat matapos ang tatlong dekadang pagkaantala.