DAGUPAN CITY- Ramdam na ang malamig na pakiramdam ng kapasuhan sa Dubai.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mariejane Almojera Lucero, Bombo International News Correspondent sa Dubai, ramdam na ramdam na ang lamig ng kapaskuhan sa nasabing lugar, ngunit mayroon ding mga oras na mainit sa pakiramdam.

Aniya, mas masaya a rina ng pasko sa Pilipinas dahil kitang-kita ang diwa ng kapaskuhan kahit saan magpunta.

--Ads--

Marami rin umanong pumupunta sa nasabing bansa upang magtravel at doon ipagdiwang ang pasko.

Karamihan din sa mga tradisyon at kultura ng pasko sa Pilipinas ay hindi nakikita sa Dubai.

Madalas na magdiwang ng kapasuhan sa nasabing lugar ay ang mga Filipino Community ant non-Muslim communities kung saan naipapakita nila ang sariling bersyon ng Pasko.