DAGUPAN CITY- May mga pagkakahalintulad at pagkakaiba ang pagdiriwang ng pasko sa Poland at sa Pilipinas kung saan hindi maiwasan ng ilang mga Pilipinong naroroon ang ikompara ang dalawang bansa.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Neil Rashid Mojica, Bombo International News Correspondent sa bansang Poland, white Christmas ang ginagawang pagdiriwang sa nsabing bansa kung saan nababalot ng snow ang kalsada.
Aniya, makikita talaga ang pagkakaiba sa kultura at tradisyon ng dalawang bansa sa pagdiriwang.
--Ads--
Pananamit pa lamang aniya ay makikita na na nalalapit na ang kapasuhan.
Kulang din aniya sa pakiramdam na hindi kasama ang buong pamilya sa pagdiriwang ng kapaskuhan.