DAGUPAN CITY- Prevention is better than cure.

Ito ang payo ni Dr. Glenn Joseph Soriano, isang US Doctor at Natural Medicine Advocate, upang makaiwas sa anumang kapahamakan sa paggamit ng mga paputok ngayong holiday season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, kabilang sa mga madalas na nakukuhang injury mula sa aksidenteng may kaugnayan sa paputok ay Burns at Blast Injuries na nauuwi sa amputations o pagputol sa parte ng katawan na labis napinsala.

--Ads--

Maliban pa riyan, may mga kaso rin na nakakalunok ang mga bata ng maliliit na paputok.

Bukod naman sa injuries ay maaari pa itong magdulot ng pagkasunog sa mga bahay.

At kung magkaroon ng injury, mabuting hugasan ito agad ng malinis na tubig at lagyan ng malinis na tela o gauza upang mapigilan ang pag dugo, tsaka ito dalhin sa ospital.

Samantala, pagdating naman sa pagkain, payo naman ni Dr. Soriano na iwasan ang 3S o ang Sweet, Salty, at Sebo upang maiwasan ang mga non-communicable disease.

Aniya, makakatulong ang mabagal na pagkain para hindi maparami ang makain. Sa pamamagitang ito, makokondisyon ang katawan upang mabusog agad.

Kung hindi naman maiwasan ang maparaming kain, tiyakin lamang na dagdagan din ang pag eehersisyo.