Mga kabombo! Isa ka ba sa mga kinakabahan kapag naririnig na ang subject na math?
Isang Chinese dad kasi ang inatake sa puso habang tinutulungan ang kanyang anak na lalaki sa math homework nito.
Ayon sa ulat, bigla na lang nahirapang huminga ang ama at nakaramdam ng pananakit sa dibdib habang tinuturuan ang anak na lalaki.
Nagkaroon sila ng mainitang argumento sa math homework ng bata, na naghahanda para sa senior secondary school entrance exams. Agad isinugod sa ospital si Zhang, na na-diagnose with acute myocardial infraction.
Karaniwang nararanasan naman ang heart attack sa premature coronary artery disease, na kadalasang pinalalala ng emotional stress.
Napag-alamang lagi niyang sinusubaybayan ang mga homework ng kanyang anak, at nagdadagdag pa ng practice sessions tuwing gabi.
Samantala, pakiramdam daw ng anak ay nalulunod ito sa academic pressure mula sa ama. Napag-alaman ding para mas humusay pa ang anak, ini-enroll siya sa iba’t ibang tutorial schools at personal na inihahatid at sinusundo.
Dahil sa nangyari, kabilang na siya ngayon sa napakaraming parents sa China na naospital sanhi ng stress sa pagtuturo sa anak.