Inaasahang mananatili muna sa bansa ang mga newly registered professional nurses sa paghahanap ng kanilang trabaho.

Ayon kay Mariel Butuhan na kabilang sa mga topnotchers, napakalaking bagay nito sakanya dahil sa dating pagiging student nurse ay isa na rin siyang ganap na nurse.

Kwento niya na hindi naging madali ang kanyang pinagdaan sa pagrereview na kanyang ginagawa sa araw-araw dahil paulit-ulit niya ring inaaral ang lahat.

--Ads--

Naglaan siya ng oras upang makapag-focus at maibigay ang effort sa pag-aaral kung saan ay naka-ayos na ang lahat ng kanyang gagawin pagkagising niya pa lamang.

Hindi niya naman inaasahan na mapapabilang siya sa mga topnotchers dahil aniya na isa lamang siyang average student noong nag-aaral pa lamang at walang ding latin honors o ano mang award.

Ang itinatak niya lamang sa isip niya ay gagawin niya lamang ito ng isang beses.

Nahirapan din umano siya sa na mga desisyon niya patungkol naman sa kanyang naging trabaho dati kasabay ng kanyang pagre-review dahil kailangan niya itong bitawan ngunit paano na lamang aniya kung hindi siya makapasa, ay wala na rin siyang babalikan na trabaho.

Ganun pa man ay ramdam naman pa rin niya ang suporta ng kanyang pamilya.

Para naman kay Leah Primitiva Samaco-Paquiz, mula sa Professional Regulatory Board of Nursing, natutuwa naman siya sa naging resulta ng November 2024 PNLE, kung saan ay nakamit ang 84.99% passing rate.

Payo niya na dapat lamang na gamitin ang pagiging isang nurse at ipagmalaki ang mga magagaling na Filipino nurses.

Kanya namang naiintindihan na dahil sa mga may pagkakataon na namamaliit at hindi sila nabibigyan ng sapat na sweldo kaya nila pinipiling mangibang bansa at doon nila ipagpapatuloy ang kanilang tarabaho.

Inaasahan pa rin aniya na may mga mananatili pa rin sa bansa upang magpunta sa mga baryo at sa mga mahihirap na pamilya na nangangailangan ng kanilang paglilingkod.